Itinuloy ng mga miyembrong bansa ng Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) ang ASEAN Summit sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pamamagitan ng video teleconference, naglabas ng deklarasyon ang ASEAN kung paano magtutulungan upang labanan ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga napagkasunduan ang pagtutulungan upang mapalakas ang produksyon ng mga medical equipment tulad ng PPE’s at iba pa mananatiling bukas ng kalakalan upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain lalo na ng bigas at pagtutulungan sa vaccine research at paghahanda sakaling may panibagong pandemic na harapin ang mundo sa hinaharap.
Encouraged the development of post pandemic recovery plan to share lessons learned, restore ASEAN’s connectivity, tourism, normal business and social activities prevent potential economic down terms. Take our task, our economic ministers and senior economic officials to explore an arrangement to preserve supply chain connectivity particularly among ASEAN member state,” ani Nograles.
Natuloy rin ang ASEAN Summit plus three na nilahukan naman ng China, Japan at South Korea.
Sa inilabas nilang joint statement, iginiit ng ang pangangailangan ng matinding pagtutulungan at kooperasyon upang labanan ang COVID-19.
Nagkasundo rin ang ASEAN plus 3 na magbigayan ng impormasyon at kanilang mga karanasan sa paglaban sa COVID-19.
Reaffirm our commitment to strengthen joint efforts towards post pandemic recovery, stimulate economic development and financial resilience, restore growth connectivity and tourism, maintain market stability and prevent potential risks of economic recession,” ani Nograles.