Pinaplantsa na ng Department of Foreign Affairs o DFA ang agenda at security guidelines bilang bahagi ng preparasyon para sa ASEAN at East Asia Summits sa Nobyembre 10 hanggang 14.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, walang sinasayang na panahon ang gobyerno upang tiyaking nakalatag na ang lahat maging ang seguridad ng mga bibisitang foreign leader sa Pilipinas.
Ginarantiyahan aniya ng Armed Forces of the Philippines o AFP, Philippine National Police o PNP at iba pang ahensyang nakatutok sa aktibidad ang kaligtasan ng mga world leader na dadalo sa 31st Association of Southeast Asian Nations Summit at 12th East Asia Summit.
Kabilang sa inaasahang tatalakayin ang mga kontrobersyal na issue sa Asya gaya ng tensyon sa Korean Peninsula at territorial dispute sa South China Sea.
—-