Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Malacañang na ideklarang holiday ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 10 hanggang 14.
Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, ito ay dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa pagdating ng mga delegasyon at lider ng ASEAN kung saan magpapatupad ng stop and go traffic scheme.
Matatandaang marami ang na-stranded sa traffic noong Asia-Pacific Economic Cooperation Summit noong 2015 dahil sa pagdating ilang world leader.
Samantala, naging matagumpay naman ang isinagawang ikatlong convoy dry run kahapon sa mga rutang daraanan ng mga delegado ng ASEAN.
Maliban ditto, nilinaw rin ng MMDA na walang mangyayaring lockdown ng mga kalsada sa ASEAN Summit sa gitna ng pagbisita ng iba’t ibang delegado kabilang na si US President Donald Trump.
—-