Tiniyak ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN ang pinaigting na kooperasyon at intelligence sharing sa mga law enforcement agency sa middle east sa gitna ng banta ng ISIS sa Timog-Silangang Asya.
Sa isinagawang pulong sa Manado, Indonesia, nagkasundo ang mga ASEAN member na paigtingin ang aksyon laban sa lumalaking panganib na dala ng Islamic State sa rehiyon bunsod na rin ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Dinaluhan ang naturang aktibidad na pinangunahan ng Indonesia at Australia ng mga kinatawan mula sa mga nasabing bansa maging ng Pilipinas, Malaysia, Brunei at New Zealand.
Tiniyak din ng mga ASEAN member na hindi matutulad ang Southeast Asia sa Middle East partikular sa Syria at Iraq na ilang taon ng nakikipag-digmaan sa mga terorista at rebelde.
By Drew Nacino