Obligasyon ng Pilipinas bilang kasapi ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ang pagho-host sa ASEAN Summit.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni dating Philippine Ambassador to the United Nations Lauro Baja na nagsabi ring ang mga benepisyong makukuha ng Pilipinas sa pag-host ng ASEAN Summit ay hindi kaagad mararamdaman ng sambayanan.
Ipinabatid pa ni Baja na iba ang multilateral diplomacy kung saan kailangan munang magtanim bago umani ng mga kapaki-pakinabang na bagay para sa bansa sa tatlong aspeto.
“One is economic so included na diyan ang investments, mga trade, projects and everything, ikalawa is political, including ang awayan sa South China Sea, kuwestyon ng North Korea, terrorism, mga transnational crimes and so forth, ikatlo, among the ASEAN member countries yung so called na pagbu-build up ng ASEAN community, people to people contact at mga questions ng OFW sa ibang capital ASEAN member countries.” Pahayag ni Baja
Sinabi ni Baja na pagdating sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea, malaki ang maitutulong ng pagbuo ng code of conduct sa pagitan ng China at Pilipinas.
“Isipin natin kung anong mga nangyari nung nakaraan, 15 or 10 years ago ay nagpulong na kaugnay sa pagkakaroon ng code of conduct pero declaration of conduct lang ang nailabas.”
“Hindi pa masyadong malaman kung ano ang expectations, dahil una China ang unang lumabag diyan sa (declaration of conduct).”
“Although as a whole kung gusto nilang bumuo ng code of conduct ay mabuti yan.”
“While we support the call for having code of conduct, let us not have too much expectations from it.” Dagdag ni Baja
Sa usapin naman ng relasyon ng PIlipinas at Amerika, inihayag ni Baja na sa ngayong ay nasa kumportableng paraan na ang pinatutunguhan ng dalawang bansa.
“Iba na ang personalities ng heads ngayon eh, there are signs na magkakaroon ng reconciliation, yung US aid wine-welcome na ni President Duterte.”
“Kailangan natin ang US at kailangan din naman tayo ng US din.”
“The relation may not be just like what we had before but it will be in a more comfortable way.” Pahayag ni Baja
(Aiza Rendon/ Ratsada Balita Interview)