Nanindigan ang Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) na maliit lamang na bahagi ng populasyon ng mga baboy sa Pilipinas ang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, walang dapat ikatakot ang publiko hinggil dito.
Aniya, magdadagdag pa ng mga quarantine checkpoints para masiguro na hindi na kakalat pa ang (ASF).
Sa kabila nito ay nagbanta pa rin ang mga meat processors sa bansa na magbabawas ng mga trabahador kasunod ng patuloy na pagbaba ng benta ng mga processed meats.