Umaasa ang Bureau of Animal Industry (BAI) na malaki ang magiging papel ng tag- init para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay BAI Director Ronnie Domingo, hindi kumakalat ang African Swine Fever kapag mainit ang panahon.
Sa tala ng BAI, apektado ng ASF ang pitong probinsya kasama ang Metro Manila 50 munisipalidad at 461 na barangay sa buong bansa.
Napatay na rin ang mahigit 40,000 mga baboy na may ASF sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan.