Inihayag ng isang agriculture expert na maaaring makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inangkat na manok sa bansa.
Ayon kay Dr. Sherwin Camba ng College of Agriculture and Food Science ng University of the Philippines-Los Baños, ang disadvantage ay nasa food safety dahil hindi sigurado ang pinagmulan ng manok.
Aniya, kadalasan ay hindi sinasabi sa mga meat vendor kung kailan ang original date of production ng mga frozen meat kaya malaki ang posibilidad na na-repack na ito at hinaluan ng pampalasa.
Iginiit din ni Camba na maaaring ma-kontamina ang mga ini-angkat na frozen meat lalo na kung pagdating sa pilipinas ay matutunaw ito dahil sa mainit na panahon. – sa panunulat ni Hannah Oledan