Kumalat na sa apat na barangay sa Magpet Cotabato ang African Swine Fever (ASF).
Ayon sa Department of Agriculture (DA), posibleng nagmula ang ASF sa mga processed meat na galing sa Davao Region.
Sinabi ni Agriculture Regional Director Arlan Mangelen na sinimulan na nila ang culling ng mga baboy sa barangay Lian, Kiantog, Tagbac at Magkaalam at ipinag-utos na rin ang limang kilometrong radius na nagbabawal sa pagbiyahe o buhay man o processed na karne mula sa apat na barangay.
Samantala, tiniyak ni Mangelen na makakatanggap ng ayuda ang mga may ari ng baboy.