Maituturing nang krisis ang African Swine Fever sa Quezon City.
Ito ay ang inamin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte matapos pumalo na sa mahigit 3,000 baboy ang isinailalim sa culling dahil sa naturang sakit.
Ayon kay Belmonte, bumuo na sila ng validation team para mabilis na tumugon sa problema ng ASF sa nasabing syudad.
Aniya, posible pa anyang pumalo ng hanggang 5,000 ang mga baboy na papatayin dahil sa ASF.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ang city government ng kabuuang 15 milyong para maging ayuda sa mga apektadong hograisers.