Malaki ang naging epekto ng pagtama ng African swine fever (ASF) sa mga baboy sa ibang bansa sa presyo ng mga processed meat products.
Ito’y dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng tocino, ham at bacon.
Ayon kay Rex Agarrado, tagapagsalita ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI), matagal nang mainit ang isyu ukol sa ASF na tumama sa ibang bansa gaya na lamang sa China na isa sa pinakamalaking exporter ng karne ng baboy.
Dahil aniya rito halos doble ang inaasahang itataas ng presyo ng karne ng baboy.
Aniya, ang belly na ginagamit sa bacon ay tumaas ng 50% hanggang 55%, ang presyo naman ng pigue at kasim kung saan gawa ang hamon at tocino ay tumaas ng 30% hanggang 40%.
“Ang presyo ng baboy na nagtataasan sa buong mundo, kung naaalala niyo poi to po ay dahil sa pagtama ng African swine fever sa mundo na nagsimula mga last year, mga Agosto pa ‘yan last year, no. pero ang pinakahuling tama po niya ay ang nasa China that happened late May, early June, tapos ang pinakahuli last week lang po, binan ng Pilipinas ‘yung importation ng baboy galing sa Germany dahil po d’yan ang presyo ay hindi lang tumaas, kun’di sobrang tumaas,” ani Agarrado.
Balitang todong Lakas Interview