Naitala ang kaso ng African swine fever (ASF) sa isang slaughterhouse sa Hong Kong.
Ayon kay Hong Kong Secretary for Food and Health Sophia Chan, na-detect ang ASF virus sa isang baboy na ini-angkat mula sa guangdong province sa mainland china.
Magugunitang, mahigit isang buwan nang nakararanas ng swine fever outbreak ang guandong kung isinasagawa na ang culling o pagpatay sa mga alagang baboy para maiwasan pa ang pagkalat ng virus gayundin ang pagdidisinfect sa mga ito.
Tiniyak naman ni Chan na hindi naitatransmit o nakahahawa sa tao ang ASF.