Kinumpirma ng Iloilo Provincial Veterinary Office ang presensya ng African Swine Fever (ASF) sa dalawang barangay sa mga bayan ng Leganes at Alimodian.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Darel Tabuada, ang karagdagang mga kaso ay natukoy mula sa isang backyard farm sa Barangay MV Hechanova sa Leganes at sa isa pang farm sa Barangay Buhay sa Alimodian.
Nakumpleto na aniya ang depopulation at kinordon na rin ang mga apektadong lugar.
Gayunman, nilinaw ni Tabuada na hindi pa nila maaaring ideklara bilang “red zone” ang mga nasabing bayan.