Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng African Swine Fever ang isa-lalawigan sa Guimaras, ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture-6 director Jose Albert Barrogo.
Sumailalim sa pagsusuri ng DA-6 regional animal diseases diagnostic laboratory ang specimen mula sa isang hog farm sa barangay sawang at napag-alaman noong Biyernes, December 16 na nagpositibo sa ASF.
Pangalawang probinsya ang Guimaras sa Western Visayas region na may kaso ng ASF. Matatandaang nauna nang nakapagtala ang Iloilo kung saan walong bayan ang may kaso ng ASF.–-mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon