Kinondena ni ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang patuloy na paghahasik ng karahasan ng Maute at Abu Sayyaf Group o ASG sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Hataman, ni hindi man lamang ginalang naturang mga bandido ang simula ng Ramadan.
Iginiit ng opisyal na hindi pagsusulong ng paniniwalang Islam ang ginagawang pagpatay ng mga teroristang ito sa maraming sibilyang Kristiyano sa Marawi City.
Dahil dito, sinabi ni Hataman na hindi dapat tawaging taga-sunod ni Allah ang mga bandidong ito na hindi marunong magbigay ng paggalang sa Ramadan.
Samantala, nanawagan naman si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong sa Maute at ASG na huwag lapastanginin ang banal na pagdiriwang ng Ramadan bilang mga kapwa niya Muslim.
By Ralph Obina
ASG at Maute Group hinikayat na igalang ang Ramadan was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882