Patay ang isang pinaniniwalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf nang maka-engkuwentro nito ang mga tropang militar sa bayan ng Sumisip, lalawigan ng Basilan.
Kinilala ng Western Mindanao Command o WESMINCOM ang napatay na bandido na si Garabat na tauhan umano ni ASG leader Furudji Indama na nakabase sa Basilan.
Nangyari ang bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Sapah Bulak kung saan, narekober ng mga sundalo ang labi ng napatay na bandido kasama ang r-4 assault rifle nito.
Napag-alamang ikinasa ng 4th Special Forces Battalion ang operasyon kontra sa mga bandido matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga ito sa nasabing lugar.
By Jaymark Dagala