Patuloy na tinutugis ng militar ang mga nagsitakas na miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ng leader nitong si Radulan Sahiron.
Ito’y makaraang makasagupa ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu ang hindi bababa sa 15 bandido sa Brgy. Langhub, bayan ng patikul sa lalawigan ng Sulu.
Dakong alas-10 ng umaga kahapon nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga bandido na tumagal ng 15 minuto.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang M-16 rifle, backpack, cellphone at combat boots ng mga bandido.