Naaresto ng militar ang isang sugatang sub-leader ng Abu Sayyaf Group matapos magka-engkuwentro ang mga ito sa Patikul, Sulu.
Kinilala ng 17th Army’s Special Forces Company ang naaresto na si Amah Ullah na isa sa pitong bandidong nakasagupa ng militar sa ilalim ng ASG sub – leader basaron arok.
Ayon kay 2nd Lt. Jhonny Ric Bregonia, commander ng 17h special forces company, naging pahirapan para sa mga sundalo ang arestuhin si Ullah na patuloy sa pagbabanta kahit sugatan na.
Subalit nang masakote na si Ullah, ginamot pa rin ito ng mga sundalo at ngayo’y nagpapagaling na sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Sulu.