Mistulang nasa “Cloud 9” ang Kapuso teen star na si Ash Ortega makaraang mag-viral ang on-line commercial ng isang kilalang fast food chain.
Nagpapasalamat si Ash sa maituturing niyang big break sa kanyang career dahil sa serye ng Jollibee commercial partikular ang eksenang pinamagatang “crush.”
Kasama ng dalaga sa naturang commercial si Adam Rodrigo ng Mercator Artist and model management na instant celebrity rin matapos umani ng positibong reviews mula sa mga netizen.
Sa katunayan ay umabot na sa 10.2 million ang views ng eksena sa Facebook.
Instant celebrity rin si MJ Tam, isang bodybuilder sa eksenang pinamagatan namang “Vow” na umantig sa puso ng mga netizen dahil sinaksihan nito ang kasal ng kanyang pinaka-ma-mahal na ex-girlfriend.
By: Drew Nacino