Inanunsyo ni Pope Francis ang paparating na Ash Wednesday sa March 2 bilang International Day of Fasting and Prayer for Peace.
Kaugnay nito, umapela ang Santo Papa sa lahat ng panig na umiwas mula sa anumang hakbang na magdudulot ng paghihirap sa mga tao sa nasabing araw.
Una nang sinabi ng U.S, European Union, Britain, Australia, Canada at Japan ang plano nitong sanctions sa mga bangko habang ang Germany ay puputulin ang suplay ng pangunahing gas pipeline project mula sa Russia.
Ito rin ang ikalawang beses na nanawagan si Pope Francis ng naturang Prayer for Peace sa Ukraine. – sa panulat ni Airiam Sancho