Sobrang masaya si Asi Taulava sa pagkakasama niya sa top 12 na bubuo sa official team na Gilas Pilipinas na maglalaro sa FIBA Asia sa China.
Ayon Kay Taulava, gagawin niya ang lahat kasama ang iba pang kapwa manlalaro para masungkit ng Pilipinas ang kampeonato sa FIBA Asia.
Itinuturing na aniya niyang pamilya ang Gilas team na tiyak na iiskor para itayo ang bandila ng Pilipinas sa FIBA Asia
Samantala, inamin naman ni dating Gilas Captain Jimmy Alapag na dismayado siya sa hindi pagkakasama sa final 12 dahil sa kaniyang quad injury.
Subalit tiwala aniya siya sa bagong team na may malaking tyansang mag kampeon sa FIBA at umabot sa Rio Olympics sa susunod na taon.
Balik ensayo na ngayong araw na ito ang Gilas Pilipinas.
By: Judith Larino