Inaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang $500-M o katumbas ng P27.2-B na policy-based loan para suportahan ang pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng pandemya sa trabaho, hanap buhay at labor market.
Sinabi ng ADB na tutulungan nito ang mga negosyo na makabalik sa normal ganun din ang paglikha ng mga hanap buhay para sa mga displaced workers upang makabalik ang mga ito sa labor market sa ilalim ng post-COVID-19 Business and Employment Recovery Program.
Nabatid na isa ang Pilipinas sa pinaka apektado ng employment decline noong kasagsagan ng pandemya kung saan pumalo sa 4.2% ang unemployment rate noong November 2022. —sa panulat ni Hannah Oledan