Magbabalik na simula ngayong araw, Agusto 1, ang ilang biyahe ng Cebu Pacific sa mga piling bansa sa Asya.
Kabilang na rito ang dalawang beses kada linggo na biyahe nito mula Maynila patungong Tokyo (Narita) at pabalik tuwing araw ng Miyerkules at Sabado.
Ayon pa sa Cebu Pacific, babalik na rin ang kanilang biyahe mula Maynila patungong Singapore at pabalik epektibo sa Agosto 6, na gagawin tuwing Huwebes at Sabado.
Tuwing Huwebes naman ang magiging biyahe ng Cebu Pacific mula Maynila patungong Seoul (Incheon) sa South Korea at pabalik.
Pagsapit naman ng Agosto 7, magbabalik na rin ang biyahe ng Cebu Pacific mula Maynila patungong Taipe sa Taiwan at pabalik tuwing Miyerkules at Biyernes.
Gayundin ang kanilang biyahe mula Maynila patungong Osaka (Kansai) sa Japan at pabalik sa nabanggit ding petsa.
Paalala naman ng Cebu Pacific sa kanilang mga pasahero, dapat tiyaking nagnegatibo sila sa swab testing bago ang nakatakda nilang biyahe at isasailalim din ang mga ito sa mandatory COVID-19 screening at 14 days quarantine sa bansang kanilang pupuntahan.