Nanawagan din si Pangulong Bongbong Marcos ng patas na “international system” para sa lahat ng bansa upang matuldukan na ang krimen laban sa “Asian Hate” at Racism.
Sa kanyang talumpati sa 77th session ng United Nations General Assembly sa New York City, USA, umaasa si Pangulong Marcos na gagana ang nasabing sistema sa mga pinaka-lantad na sektor ng lipunan.
Nasaksihan na rin anya ng mundo ang ambag ng mga migrante sa kampanya laban sa Covid-19 pandemic kaya’t dapat mabigyan ng patas na karapatan ang mga ito laban sa diskriminasyon.