Pinangalanan na ang aawit ng Philippine National Anthem sa huling SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Atty. Artemio Adasa, Deputy Secretary General for Legislative Operations ng House of Representatives, napili ang 10 taong gulang na si Gwyneth Dorado para umawit ng Lupang Hinirang sa SONA ng Pangulong Aquino sa darating na Lunes, Hulyo 27.
Si Dorado ay isa sa mga Filipino finalists ng Asia’s Got Talent na ginanap sa Singapore kamakailan.
By Meann Tanbio