Mga kagamitan sa bahay at ang mga alagang hayop ang unang nililikas ng mga tao tuwing may malakas na bagyo bukod sa kanilang mga sarili.
Pero hindi ganoon ang naging sitwasyon para sa isang aso sa Florida, USA.
Kamakailan ay tumama ang bagyong Milton sa Florida, usa na umabot ng Category 5 sa loob ng mahigit 48 hours at nagdulot dito ng malaking pinsala katulad ng pagkawala ng kuryente sa milyong kabahayan.
Isa sa mga biktima nito ay ang isang aso.
Sa video ng isang highway patrol officer, makikita ang isang aso na nag-iisa at nakalubog na ang mga binti sa baha.
Hindi naman magawang makaalis ng aso dahil nakatali pala ito sa bakod.
Mahahalata rin na hindi ito mapakali dahil pagalaw-galaw ito sa kanyang pwesto.
Maririnig din sa video na tinahulan ng aso ang officer na inaalo pa siya habang papalapit sa kanya.
Labinlimang minuto ang dumaan bago nila ito nasagip at isinakay sa kanilang patrol car.
Nasa pangangalaga naman na ng mga otoridad ang iniwang aso.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa nakapanlulumong sitwasyon ng aso?