Pinaiigting ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang programa para sa mga nasasagip na asong gala.
Kasalukuyang sumasailalim sa basic obedience training ng Quezon City Veterenary Department ang mga nasabing aso at pagkatapos naman nito ay sasailalim ang mga ito sa ikalawang pagsasanay na gagawin ng Quezon City Police District.
Ang naturang pagsasanay sa mga AsPin ay upang gawin ang mga itong drug at bomb sniffing dogs.
Samantala, layon ng naturang programa ng lungsod na maging katuwang ang mga aso laban sa krimen.—sa panulat ni Mara Valle