Plano ng PNP na isama na rin sa ituturo nila sa mga guwardya ang aspeto ng counter terrorism
Sinabi ni Senior Supt Jose Mario Espino, hepe ng PNP SOS o Supervisory Office for Security and Investigation Agencies na sa kasalukuyan ay basic training lamang ang ibinibigay nila sa mga security guard
Mayruon aniyang mga pribadong kumpanya na siyang nagbibigay ng dagdag na training tulad nang pagtukoy sa bomba at mga bahagi nito
Ayon pa kay Espino tinuturo rin sa mga security guard ang pagtukoy sa mga kahina hinalang indibidwal na nakapasok sa mga establishment
Inihayag ni Espino na sa ngayon ay nagpupulong na ang kanilang training board para pag usapan ang pagpasok ng counter terrorism module sa curriculum ng kanilang training sa mga guwardya
By: Len Aguirre / Jonathan Andal