Itinanggi ng US Central Intelligence o CIA at ni US Ambassador Philip Goldberg ang umano’y planong pag-assassinate kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, batay sa kanyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Amerika at kay Goldberg ay wala aniyang ganoong plano ang Estados Unidos laban sa Pangulo.
Matatandaang sa pagharap ng Pangulo sa Filipino community sa Hanoi Vietnam noong nakaraang buwan, sinabi nitong nakatanggap siya ng impormasyon kung saan ay balak umano siyang ipapatay ng CIA.
Sinabi ni Lorenzana na hindi niya batid kung ano ang nagtulak at pinag-ugatan ng naturang komento ng Pangulong Duterte.
Marahil ay mayroon aniyang ilang impormasyon ang Pangulo na hindi niya alam.
By Ralph Obina