Nakadepende sa assessment ng militar at PNP ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung itutuloy nito ang planong pagdedeklara ng martial law sa Negros Oriental kasunod ng mga serye ng karahasan sa lalawigan.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, kailangan munang malaman ng pangulo kung may sapat na basehan ang mga otoridad para isailalim sa batas militar ang Negros Oriental.
Isa rin aniya sa isasaalang-alang ng presidente ay ang mga kondisyong nakasaad sa batas tulad ng mga kaso ng rebelyon, pananakop at pagbabanta sa seguridad ng mga residente sa lugar.
Samantala, nagpapatuloy naman ani Guevarra ang mga isinasagawang parallel investigation ng NBI sa mga nangyaring pamamaslang sa lalawigan kung saan inaasahang sa mga susunod daw na araw ay posibleng makapagpalabas na sila ng resulta.