Hindi pa magbebenta ngayon ang gobyerno ng mga ari-arian para maipagpatuloy ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ito ang tiniyak ni Budget Secretary Wendel Avisado dahil may sapat pa aniyang pondo ang gobyerno para maipagpatuloy ang mga programang bahagi ng pagtugon sa pandemya.
Sinabi ni Avisado na mayroon pang mapagkukunang pondo sa ngayon kaya’t wala namang dapat ipangamba hinggil sa pagbebenta ng mga ari-arian.
Magugunitang noong Abril sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikukonsidera ang pagbebenta ng assets ng gobyerno sakaling maubos na ang pondo para sa COVID-19 response.