Mayroong mga Reformation Officers ang Bureau of Corrections (BuCor) na humahawak ng ‘daily attendance’.
Tugon ito ni Atty Melencio Faustino, Superintendent ng Davao Penal Farm sa tanong ng mga kongresista sa paraan ng pagsala ng BuCor sa magandang asal ng mga bilanggo sa ilalim ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) partikular ang pagbabantay sa mga presong nag a-avail ng GCTA.
Sinabi ni Faustino na ang Reformation Officers nila ang nagre rekomenda ng suspensyon ng GCTA kapag mayruong paglabag ang Person Deprived of Liberty (PDL) na mayruon ding ‘assignment card’ kung saan naman makikita ang lahat ng paglabag.
Gayunman, lumalabas na sinusupinde lang ng isang buwan ang GCTA ng isang inmate kung mayroon itong nilabag sa prison’s rules and regulations at hindi otomatikong nadi disqualify ang aplikante.
Dahil dito, iginiit ni AKO BICOL Partylist Representative Alfredo Garbin na kailangang amiyendahan ang batas o ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para higpitan ang screening ng participants sa GCTA.