Nananatili pa rin sa 162 evacuation centers ang 8,173 pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Batay sa Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DSWD, ang mga apektadong pamilya ay mula sa NCR, CAR, I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Regions V hanggang XII, CARAGA at BARMM.
Napinsala ng bagyo ang ilang mga kabahayan, kung saan 5,503 ang totally damaged habang 51,563 ang partially damaged.
Umabot naman sa P314,159,495.86 ang naipamahaging tulong ng DSWD, LGUs at NGOs at iba pang partners nito sa mga naapektuhan ng kalamidad.