Patay ang assistant prosecutor ng lalawigan ng Rizal matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Taytay.
Ayon kay RIZAL PNP Spokesperson Senior/Insp. Maria Lourdes Usana, sakay ng kanyang kotse ang biktimang si Assistant Provincial Prosecutor Maria Ronatay nang barilin ito ng riding in tandem habang nakahinto ito.
Kaugnay nito, inatasan na rin ni Justice Secretary Vitaliano Aguiire ang NBI o National Bureau of Investigation na imbestigahan ang krimen.
Si Ronatay ay ika-apat nang piskal na napatay sa loob lamang ng siyam na buwan.
- Krista De Dios