Patay ang Assistant Special Prosecutor ng Ombudsman matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng lotto outlet sa Visayas Ave, Brgy Vasra Quezon City kaninang alas onse bente ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Atty. Madona Joy Ednaco-Tanyag na taga Marikina City.
Dinala pa ang biktima sa East Avenue Medical Center nina Brgy Kagawad Oliver Pascacio at Segundo Antenor. Nasawi rin agad ang biktima pasado alas dose kwatro ng tanghali.
Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pagpaslang.