Pinag-iinhibit ng grupong Republic Defender sa pagdalo sa oral arguments sa Supreme Court sa motion to quash ni Senator Leila de Lima si Associate Justice Francis Jardeleza.
Ngayong hapon ay nakatakdang pakinggan sa oral arguments, ang panig ng pamahalaan sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon kay United Filipino Seafarers President at miyembro ng Republic Defender Nelson Ramirez, kailangang mag-inhibit si Jardeleza para maiwasan ang pagkaroon ng duda sa paghawak sa kaso ng senadora.
Sinabi ni Ramirez na sasamahan din nila mamayang hapon, ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na mag-rally sa labas ng Supreme Court (SC).
Bahagi ng pahayag ni Nelson Ramirez ng grupong Republic Defender
By Katrina Valle | Report from Aya Yupangco (Patrol 5)