Kulang na ng isa ang miyembro ng Korte Suprema makaraang pormal ng lisanin ng isa sa mga mahistrado ang kanyang posisyon.
Bumaba na sa pwesto nitong Miyerkules, December 14 si Associate Justice Jose Perez makaraang sumapit sa mandatory retirement age na 70.
December 26, 2009 nang siya ay maitalaga bilang 167th Associate Justice ng KORTE SUPrema, kapalit ni Justice Leonardo Quisumbing.
Nagsimula siyang magsilbi sa kataas taasang hukuman nuong 1971 bilang technical assistant hanggang sa siya ay maging legal assistant sa office of the reporter, confidential attorney sa office of chief justice Fred Ruiz Castro at kalauna’y naging court administrator nuong 2008.
Isa sa mga kontrobersyal na desisyon at isinulat ni Perez ay ang kaso ni Senador Grace Poe laban Commission on Elections kung saan idineklara na ang foundling ay ikinukunsiderang natural-born Filipino.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo