Inendorso ng Korte Suprema si Associate Justice Samuel Martires para pumalit sa posisyon ng magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Naging unanimous ang desisyon ng 11 mahistrado ng Supreme Court para irekomenda sa Judicial and Bar Council o JBC na isama sa shortlist ang pangalan ni Martires.
Si Martires ay dating Sandiganbayan justice at kauna-unahang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.
Una nang nakasasama sa listahan ng JBC si dating Sandiganbayan presiding Justice Edilberto Sandoval at Labor Secretary Silvestre Bello III
Nakatakdang magretiro si Morales sa susunod na linggo habang mayroon namang 90 araw ang Pangulo matapos matanggap ang listahan para pumili at magtalaga ng bagong Ombudsman.
—-