Nagreact si Associate Justice Marvic Leonen sa “kanto-themed” birthday party ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Sa Twitter post ni Leonen, kaniyang sinabi na sa halip na magpanggap bilang isang mahirap para sa isang content, bakit hindi nalang umano unawain kung ano ang kahulugan ng pagiging mahirap at humanap ng mga paraan para makatulong sa kapwa.
Iginiit ni Leonen na ang pagiging mahirap ay hindi dapat ipinagdiriwang ng mga mayayaman dahil ito ay matatawag na insensitive o pang-iinsulto sa karapatan at nararamdaman ng mga mahihirap.
Hindi naman pinangalanan ni Leonen kung sino ang kaniyang pinasasaringan pero matatandaang naging usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang video-vlog ni Donnalyn na umani ng batikos mula sa mga netizen.
Ayon sa mga netizen, hindi na raw natuto ang singer matapos ang kaniyang unang kontrobersyal na baby-themed photoshoot.