Nominado si Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro bilang bagong Ombudsman kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nakatakdang mag-retiro sa Hulyo.
Si retired Associate Justice Arturo Brion ang nag-nominate kay De Castro sa puwesto.
Ayon kay Brion, kuwalipikado bilang Ombudsman si De Castro dahil napatunayan nito ang kanyang kakayahan at integridad sa mahigit sampung taon nito sa hudikatura.
Naging laman ng mga balita si De Castro nang tumestigo ito sa impeachment hearing ng House Committee on Justice laban kay Supreme Court Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Napag-alamang kailangang tanggapin muna ni De Castro ang nominasyon bago ito mapasama sa mga ikukunsiderang kandidato ng Judicial and Bar Council o JBC.
Sa Mayo 15 ang deadline ng nominasyon para sa magiging kapalit ni Morales.
—-