Ipinangalan sa isang Filipino neurosurgeon at amateur astronomer ang walong kilometrong lapad na asteroid na lumilibot sa araw sa pagitan ng Mars at Jupiter.
Ito ay ang ‘jettaguilar’ bilang pagpupugay ng Paris-Based International Astronomical Union (IAU) kay Dr. Jose Francisco ‘Jett’ Aguilar.
Noong March 19, 1993 unang nadiskubre ang Asteroid 7431 mula sa European Southern Observatory sa Chile at ipinakilala bilang 1993 FN41.
Dagdag ang Asteroid 7431 sa dumaraming bilang ng asteroids na ipinangalan sa filipino astronomers at scientists kung kauna-unahan dito sina Imelda Joson at Edwin Aguirre bilang Asteroid 1980 TS4 ‘6283 Eswelda’. —sa panulat ni Abby Malanday