Mababa ang panganib na malagay sa bingit ng kamatayan ang mga nadapuan ng Corona Virus Disease (COVID-19) na mga pasyenteng may hika kumpara sa mga walang hika ayon sa mga researchers sa Boston.
Lumabas sa pag-aaral sa Boston health care system, 562 asthma patients ang mayroong COVID-19 at 2,688 naman ang kabuuang bilang ng mga walang hika na dinapuan ng virus.
Batay sa pagsusuri, 70% ang tyansa na mabuhay ang may hika na dinapuan ng virus at walang namatay sa 44 na may malalang asthma na dinapuan ng naturang virus.
Samantala tinitingnan namang dahilan nito ay ang posibilad na mas protektado sa virus ang mga pasyenteng may hika dahil sa gamot na ginagamit nito gaya ng corticosteroids. —sa panulat ni Agustina Nolasco