Target din ng British pharmaceutical company na AstraZeneca ang magsagawa ng clinical trial para sa potensiyal na bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ito ang inanunsyo ng Department of Health (DOH), dalawang araw matapos ihayag ng AstraZeneza na nagpapakita ng mahigit sa 90% pagiging epektibo kanilang nilikhang bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Nobyembre 16 nang unang magsumite ng documentary requirements sa vaccine experts panel (VEP) ng DOH ang AstraZeneca.
Nobyembre 18 naman aniya ng makumpleto ng kumpanya ang lahat ng kinakailangang dokumento at kasalukuyan nang isinasailalim sa evaluation ng VEP at ethics review board.
Matapos naman nito, sinabi ni Vergeire na kakailanganin naman ng AstraZeneca na makakuha ng pahintulot mula sa Philippine Food and Drug Administration bago makapagpatuloy sa clinical trial.