Nangako ang AstraZeneca sa Food and Drug Adminstration (FDA) ng bansa na makikipagtulungan para matugunan ang sinasabing rare side effects ng kanilang bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa FDA, nanatiling prayoridad ng AstraZeneca ang kaligtasan ng publiko kaya naman handa ang mga ito na makipagtulungan para malutas o masagot ang anomang nakikitang safety signals sa kanilang bakuna.
Sa kasalukuyan ay wala pa namang napapaulat na nagkaroon ng blood clot sa mga naturukan ng AstraZeneca sa bansa gayunman tiniyak ang patuloy na pag-monitor sa mga indibidwal na nakatanggap ng naturang bakuna.