Ang British pharmaceuical firm na AstraZeneca ang nag-aalok ng pinakamurang posibleng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. na ang AstraZeneca ay isa sa labing pitong pharmaceutical firms na ang potential anti COVID-19 vaccine ay sumalang sa review ng Philippine panel sa ilalim ng DOST.
Ipinabatid ni Galvez na batay sa company profile ng AstraZeneca pinakamura ang alok nitong bakuna na nasa limang dolyar kada dose at ang pag-develop nito ng bakuna ay hindi para kumita kundi para makapagbigay ng access sa mga mahihirap na bansa.
Lumalabas aniya sa paunang findings ng panel of experts na maganda ang evaluation ng astrazeneca na isang reputable pharmaceutical firm kaya’t inaasahan nilang tatlo hanggang 10-milyong dose ng bakuna ang kukunin ng bansa dito.
Dalawampung porsyento naman ng bakunang bibilhin ng bansa ay mula sa Covax vaccine facility na sanib puwersa ng manufacturers at experts na nagsusulong ng development, production at equitable access sa COVID-19 tests, treatments at vaccines.
Ang Covax vaccine ay tinatayang nagkakahalaga ng $21 dollars para sa dalawang dose na ituturok sa pagitan ng 28 days.