Dumating na ang unang bahagi ng Astrazeneca vaccine na binili ng lokal na pamahalaan ng Caloocan.
Sinabi ng Health Department, mahigit 17,200 doses ang inisyal na dumating kahapon ng hapon sa lungsod.
Nasa kabuuang 600,000 doses ng Astrazeneca ang binili ng lungsod para sa kanilang isinasagawanng Mass Vaccination Program.
Bukod dito, natanggap rin ng Caloocan Local Government Unit (LGU) ang nasa 10,300 doses Ng Johnson & Johnson Single-Shot COVID-19 vaccines mula sa pamahalaan.
Samantala, ang mga naturang bakuna ay ilalaan sa mga senior citizen o mga nasa A2 priority group.