Wala pang itinakdang petsa para sa roll-out ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca sa bansa.
Ito, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ay dahil inaantabayanan pa nila ang rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) sa kung anong sektor ang unang makatatanggap ng naturang bakuna.
Kanila pa rin aniyang hinihintay ang abiso ng NITAG kung maaaring tumanggap ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang mga senior citizens na health workers.
Nakatakda namang dumating sa bansa ang nasa 487,200 doses ng bakuna ng AstraZeneca sa Huwebes ng gabi.