Kinasuhan na ang 15 turista na natuklasang gumamit ng pekeng RT-PCR test result para makapasok sa Boracay.
Ayon sa Aklan Provincial Police Office, pormal nang ipinagharap sa kaso ang naturang mga turista sa Kalibo Regional Trial Court.
Noong Disyembre 7 umano nang unang madiskubre ang pekeng RT-PCR test result na hawak ng 5 turista.
Ilang araw matapos mahuli ang 5 turista, sunod-sunod na rin ang pagkakahuli sa iba pang turistang may dalang pekeng RT-PCR test.
Bago, payagang pumasok sa Boracay, kinakailangan munang magprisenta ng resulta ng RT-PCR test bilang patunay na negatibo sa COVID-19.