Namemeligro umanong maharap sa matinding kakapusan sa suplay ng tubig sa taong 2050 ang Asya kung saan kabilang ang Pilipinas.
Ito, ayon sa mga siyentipiko, ay bunsod ng economic activity, pagdami ng populasyon, at climate change.
Sa pag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology o MIT sa Estados Unidos, aabot sa 1 bilyong tao ang nanganganib na magdusa sa kawalan ng mapagkukunan ng sariwang tubig sa susunod na 35 taon.
Giit ng mga siyentipiko, hindi lamang ang pagbabago ng panahon ang sanhi nito kundi maging ang ekonomiya at patuloy na pagdami ng mga tao sa buong mundo.
By Jelbert Perdez