Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na kailangan pang isalang sa test ang mga manggagawa na walang nakikitang sintomas ng COVID-19.
Sa halip, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mahalagang i-monitor araw-araw ng mga employers ang health condition ng kanilang mga empleyado at i-report ang posibleng impeksiyon na madidiskubre ng mga ito.
Samantala, muling ipinaalala ni Lopez sa mga empleyado na iwasan ang pakikisalamuha sa mga kapwa-manggagawa lalo na sa canteen, smoking area at shuttle service upang maiwasan ang transmission o hawahan.